Advertisers

Advertisers

Mag-asawa sugatan sa pamamaril

0 170

Advertisers

Sugatan ang mag-asawa sa pamamaril ng riding in tandem sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina George Abdulrahman at Ton Abdulrahman, residente ng Barangay Manili Carmen Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na lulan ang mga biktima sa isang multicab pauwi na ng kanilang tahanan mula sa Kidapawan City ngunit pagsapit nila sa tapat mismo ng municipal hall sa bayan ng Kabacan Cotabato bigla itong dinikitan ng riding in tandem at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.



Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Datu Montawal Maguindanao Del Sur.

Agad dinala ang mag-asawa ng mga nagrespondeng pulis sa isang pagamutan sa bayan ng Kabacan at nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan Municipal Police Station (MPS) sa pamamaril sa mag-asawa.