Advertisers
Nakatakdang isailalim sa autopsy ang siyam na talong gulang na batang babae na natagpuang patay nang mawala sa Sito Lubas, Barangay Paquibato, Davao City noong Biyernes, Marso 17, 2023.
Ayon kay Police Major Joenel Pederio, commander ng Paquibato Police Station, na noong Biyernes nawala ang biktima, at natagpuan itong patay kinabukasan sa isang sulok sa nasabing barangay.
Ayon kay Pederio, ang pinsan ng ama ng biktima na si Anecito Tupas, 31 years old, may asawa at residente rin ng nasabing lugar ang salarain sa krimen.
Sa ngayon, hindi pa makumpirma kung ginahasa ang biktima, dahilan para isailalim ito sa autopsy at may pahintulot din ng mga magulang.
Sinampahan ng kasong murder si Tupas at nakatakda rin isailalim sa drug test.