Advertisers

Advertisers

Parak ‘iniputan’ ni misis, kabit kinatay

0 164

Advertisers

Patay ang 56 anyos na magsasaka nang pagbabarilin ng isang pulis nang maaktuhan na kasama ang asawa nito sa isang kubo sa Cabusao, Camarines Sur.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Bernardo Peñero, hepe ng Ragay Municipal Police Station, tumawag sa kaniya ang pulis na si PSSg Baltazar Manacob, 43 anyos, nakatalaga sa PNP Ragay na residente ng Cabusao, na nabaril nito ang biyudong si Arlando Sugay; ang umano’y “lover” ng asawa dahil naabutan umano na may “sexual act” sa kubo.

Ayon kay PMaj Rosalinda Moises, Officer in Charge ng Cabusao Municipal Police Station, nagdilim ang paningin ng salarin at agad na bumunot nang baril at ilang beses na pinagbabaril ang biktima.



Ayon pa kay Moises na matapos ang krimen, agad namang ini-report ng salarin sa mga awtoridad ang insidente at maayos naman na sumuko ito.

Ayon pa sa opisyal, inamin naman ng babae ang relasyon nito sa biktima at ang pangloloko nito sa salarin.

Samantala, napag-alaman na matagal na umanong magkakilala ang salarin at biktima.

Mahaharap sa kasong murder ang salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">