Advertisers

Advertisers

Passport ni Cong. Teves posibleng ikansela narin ng pamahalaan

0 177

Advertisers

POSIBLENG maging option ng pamahalaan ang pagkansela sa pasaporte ni Congressman Arnolfo Teves Jr., para mapabalik ito ng bansa.

Pahayag ito ni Justice Secretary Crispin Remulla sa harap ng kabiguan ni Teves na umuwi ng Pilipinas kahit napaso na ang travel authority nito mula sa Kamara.

Subalit nilinaw ni Remulla na kailangang masunod ang mga proseso sa kanselasyon ng mga dokumento lalo na’t ang right to travel ay ginagarantiyahan ng Saligang Batas.



Ayon kay Remulla, ang pasaporte ay inisyu ng pamahalaan para sa pagkakilanlan ng isang tao para ito ay makabiyahe.

Samantala, inihayag ni Remulla na batay sa impormasyon nila ay nasa Timog- Silangang Asya ang kongresista.

Bunga nito, muling nanawagan ang kalihim kay Teves na umuwi na ng Pilipinas at harapin ang mga reklamo laban sa kanya.