Advertisers

Advertisers

Pulis na nahulihan ng toneladang shabu sibak sa serbisyo

0 218

Advertisers

HINDI makukuha ng sinibak sa serbisyo na si Police MSgt. Rodolfo Mayo ang kanyang mga benepisyo makaraang katigan ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo Azurin Jr., ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na tuluyan nang sibakin sa tungkulin ang una.

Ayon kay PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo, ‘guilty’ sa ‘grave misconduct’ at ‘conduct unbecoming of an officer’ si Mayo.

Miyembro si Mayo ng intelligence ng PNP-Drug Enforcement Group (DEU) kungsaan nahulihan ito ng halos isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng P7 bilyon sa pagmamay-ari nitong lending shop sa Tondo, Maynila noong Oktubre.



Ayon kay Azurin, idinaan sa tamang proseso ang dismissal order laban kay Mayo.

Nabatid na ipinatapon na noong 2016 si Mayo sa Mindanao pero muli itong nakabalik sa PNP Headquarters at naging intel officer pa ito ng DEU.

Sa pagkaaresto kay Mayo, hinamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang 3rd level officers ng PNP na maghain ng courtesy resignation na layuning linisin ang Pambansang Pulisya mula sa iligal na droga.