Advertisers
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 33 anyos na saleslady ng live-in partner sa kanilang bahay sa Burayan, San Jose District dito noong Linggo, Marso 19.
Kinilala ang biktima na si Dailyn Tiu.
Ayon sa ulat, narinig ng mga kapitbahay ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa nang ihayag ng biktima ang balak nitong makipaghiwalay sa tumangging salarin na si Jason Roa, 28.
Ilang saglit pa, narinig ang biktima na sumisigaw ng tulong.
Natagpuan naman si Roa na duguan sa kanilang kama.
Idineklarang patay si Tiu ng mga forensics probers na dumating para iproseso ang pinangyarihan ng krimen.