Advertisers
Makalipas ang halos 5 buwan na pagtatago sa batas nadakip na ng mga operatiba ng Malolos pulis ang binatang wanted sa kaso ng pagpatay lalaking na nag trip sa kanya sa Brgy. Look 2nd nabangit na lungsod.
Sa report na ipinadala ni PLt.Col.Andrie Manglo,kay PNP Provincial Director PCol.Relly Arnedo kinilala ang nadakip na suspek na si Larry Cantong Jr. sa Batac City Ilocos Norte, residente ng Brgy, Look 2nd Malolos City.
Base sa paunang imbestigasyon ni PCapt.Jereland Salinas, 6:00 ng umaga nang madakip ang suspek via warrant of arrest sa kasong Homicide na kabilang sa top 1 most wanted.
Nabatid na Oktubre ng 2022 nang maganap ang pananaga sa biktimang si Jayson Mendiola na halos humiwalay ang ulo sa katawan habang nasa higaan.
Ayon sa suspek una na siyang napag-tripan at sinuntok ng biktima, kaya nagawa niya ang pananaga gamit ng isang jungle bolo.
Disyembre 20 2022 pa ng ilabas ni Branch 83 Presiding Judge Mylene Cabigao Albaytar Avendaño ang Criminal Case No. 7099-2022.
Samantala, patuloy pang pinaghahanap si Larry Cantong Sr.. na sangkot rin sa kaso.(Thony D. Arcenal)