Advertisers

Advertisers

DOH, pupuksain ang TB sa bansa sa loon ng 12-taon

0 134

Advertisers

ANG Department of Health (DOH) ay naglunsad ng Philippine Acceleration Action Plan for Tuberculosis (PAAP-TB), na isang multisectoral initiative, na ang layunin ay tuluyan nang puksain ang tuberculosis (TB) sa bansa, pagsapit ng taong 2035.

Sa isang pahayag nitong Sabado, nabatid na ang DOH, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pamamagitan ng PAAP-TB, ay naglalayong magkaloob ng mas malawak na access sa mga health services, at paghusayin pa ang edukasyon at public information, social protection, at labor protection upang puksain ang naturang karamdaman.

Ang Tuberculosis o TB ay isang chronic communicable disease na pangalawa lamang sa COVID-19, bilang pangunahing sanhi ng mortality mula sa isang single infectious organism.



Batay sa Global TB Report 2022, ang naturang karamdaman ang itinuturong dahilan ng may 1.6 milyong pagkamatay noong 2021.

Sa isang preliminary report naman mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong taon, ang TB pa rin ang pang-11 sa mga sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy.

“TB elimination entails improving access to TB services, and addressing the social, economic, and physical determinants that significantly affect its occurrence, transmission, and even treatment,” ayon sa DOH.

“In addressing these social determinants of health, we enjoin all our sectoral stakeholders for synergistic solutions to overcrowding, low education, malnutrition, and ultimately poverty. Our collective interventions will make TB services equitable, especially for the poor,” pahayag naman ni DOH Officer-in-Charge Secretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire.

“By engaging multiple disciplines, organizations, sectors, and partners can combine strengths and leverage resources, expertise, and knowledge, while addressing the social, environmental, economic, and political systemic drivers that influence behaviours and prevent the effective delivery of health policies and interventions,” aniya pa. (ANDI GARCIA)