Advertisers

Advertisers

KILABOT NA ILLEGAL RECRUITER, NASAKOTE NG NCRPO OPERATIVES SA MUNTINLUPA

0 292

Advertisers

NAGWAKAS na rin ang maligayang araw ng isang kilabot na illegal recruiter na matagal nang nagtatago sa ‘mata ng batas’ dahil sa mga nakabinbing warrant of arrest matapos na matunton ang pinagtataguan nito sa isang lugar sa Muntinlupa City.

Pinuri ng National Capital Region Police Office Chief, PMGEN Edgar Alan O Okubo ang mga operatiba ng Regional Intelligence Division Anti- Carnapping Task Group para sa matagumpay na pagdakip ni Catherine R. Sioson,42-anyos.

Ang suspek ay nadakip sa bisa ng siyam na warrant of arrest na galing sa Regional Trial Court (RTC) ng Isabela Province at Quezon City. Siya ay nadakip bandang 12:30 ng hapon noong March 17,2023 sa Alabang, Muntinlupa City.



Ayon sa mga ulat, nagsagawa ng intel driven operations ang mga operatiba ng RID ACTG laban sa akusado matapos na makatanggap ng impormasyon na nagtatago ito sa nasabing lungsod.

Ang nasabing indibidwal ay may standing warrant of arrest para sa “Syndicated Illegal Recruitment” sa ilalim ng Criminal case number 40-11306, na may petsang Enero 15, 2019 na inisyu ni Hon. Ariel M Palce, Presiding Judge, Regional Trial Court Second Judicial Region, Cauayan City, Isabela na walang piyansa na inirekomenda.

Sa pagkakaaresto, ilang mga warrant sa pamamagitan ng pinahusay na PNP E-Warrant system ang natuklasan at pinag-ugnay ng mga operatiba ng RID ACTG mula sa iba’t ibang korte na nag-isyu para sa serbisyo.

“ Team NCRPO will continue to intensify our police operations to bring more wanted person to justice.This venture serve as proof of the PNP’s commitment to uphold the law and keep the street safe.” Ayon kay NCRPO spokesperson PLTCOL. Luisito C Andaya Jr. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">