Advertisers

Advertisers

1 patay, 13 sugatan sa bumaligtad na kuliglig

0 167

Advertisers

Patay ang isang katao habang 13 ang sugatan nang maaksidente ang sinasakyang kuliglig sa bayan ng Licuan-Baay, Abra nitong Sabado.

Nasawi ang isang pasahero na may edad 65. Kabilang naman sa mga nasugatan ang driver ng kuliglig at 2 batang may edad 4 at 5.

Ayon sa ulat, binabaybay ng kuliglig ang Abra-Kalinga Road nang mawalan ng preno sa pababang bahagi ng kalsada sa Sitio Nagpaoayan, Barangay Subagan.



“Pinili ng driver na idirekta ang sasakyan sa kanang bahagi ng kalsada dahilan para mabaligtad ‘yong kuliglig,” ani Police Capt. Freddie Chumayag.

Napag-alaman na galing ang mga biktima sa Cabagan, Isabela at pauwi na sana sa Tineg, Abra nang mangyari ang insidente.

“‘Yong kuliglig ay ginagamit lang talaga nila pang-haul sa mais, mga bigas. Nagkataon na ginamit nila for transportation. As per interview (ng investigator), nakipaglamay sila sa Barangay Masipi, Cabagan, Isabela,” ani Chumayag.

Inihahanda na ang reklamong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property laban sa driver ng kuliglig.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">