Advertisers

Advertisers

7-anyos nene ni-rape ng ama, namatay

0 272

Advertisers

Naging palaisipan ang pagkamatay ng 7 anyos na batang babae na bigla na hindi na nagising sa Concepcion, Iloilo.

Sa ulat, nadiskubre na patay na ang biktima nang hindi ito gumising nang gisingin ng nakatatandang kapatid dahil papasok sa eskuwela.

Dinala umano ang bata sa ospital pero idineklarang dead on arrival.



Nang magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya, natuklasan na ginahasa ang bata, at suspek ang ama nito, na kinalaunan umamin umano sa krimen.

“Nang medyo nalaman niya na siguro na may testigo na, mismong anak niya ang nagsabi na nakita niya ang kaniyang tatay, nakarinig din ang kapitbahay nila umiyak ang bata,” ayon kay PEMS Edzel Ray Casia, imbestigador ng Concepcion MPS

Ayon sa pulisya, magkatabing natutulog ang apat na magkakapatid kasama ang kanilang ina, habang nasa ibaba naman ang ama.

Sa report, lumabas na lasing umano ang ama at pinuntahan nito ang anak na napagkamalan daw niya na kaniyang asawa.

Nagsabi na umano ang suspek na haharapin niya ang ginawa niya sa kaniyang anak.



Sinampahan ang suspek ng reklamong rape with homicide.