Advertisers
NAHUKAY ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang baul ng mga armas sa compound na pag-aari ni dating Negros Oriental governor Henry Pryde Teves sa Sta. Catalina town, Negros Oriental, Sabado ng gabi.
Gumamit pa ng backhoe ang mga awtoridad para mahukay ang mga nakabaon na pampasabog, baril at bala, matapos ituro ng isa sa mga naarestong salarin sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Si Henry Pryde ay kapatid ni Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves, Jr., ang itinuturong “utak” sa pagpaslang kay Degamo.