Advertisers

Advertisers

Bebot todas sa saksak ng selosong ka-live-in

0 177

Advertisers

Patay ang 46 anyos na babae nang saksakin ng live-in partner sa Caloocan City nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Julieta Española at ang salarin kinilalang si Edgardo Mananquil, 50 anyos.

Ang suspek, patay din matapos umanong magsaksak sa sarili.



Nangyari ang insidente sa Phase 4, Package 6, Barangay 176.

Ayon sa mga tauhan ng barangay, 8:30 nang umaga nang madiskubre ng anak ang mga bangkay sa inuupahang bahay ng mag-live-in partner.

Kuwento ng mga kapitbahay, laging nag-aaway at nagsisigawan ang mag-live-in partner dahil sa matinding selos ng lalaki.