Advertisers
INIHAYAG ng Department of National Defense (DND) na ilan sa mga tinukoy na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ay gagamitin para sa humanitarian at relief operations partikular sa panahon ng emergencies at natural disasters.
Sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong, ang ilang tinukoy na EDCA sites ay magiging base para sa humanitarian assistance, disaster relief operations na importante dahil ang bansa ay nakakaranas ng nasa 20 bagyo kada taon at maging ang nararanasang lindol.
“So ito ‘pag nag-preposition ng kagamitan dito, assets that will be used for disaster relief, malaking bagay na iyong EDCA site kung malapit siya doon sa area,” ani Andolong.
Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na natukoy na ang apat pang dagdag na EDCA sites at nakatakda na itong iaanunsiyo sa darating na mga araw.
Ang apat na dagdag na EDCA sites ay bukod pa sa limang existing EDCA sites.