Advertisers

Advertisers

Kilig to the bones, hatid ng MavLine sa ‘Zero Kilometers Away’

0 152

Advertisers

KAKAIBANG chemistry at pagpapakilig ang hatid ng Sparkle Sweethearts na MavLine sa “Zero Kilometers Away,” ang digital series ng GMA Public Affairs na natapos kamakailan.
Hindi nakagugulat na may mahigit 35 million views and counting na ito sa Facebook at Youtube.
Napaka-relatable ng kwento nina Ardi (Mavy Legaspi) at Gwen (Kyline Alcantara), lalo na para sa mga naghahanap ng kanilang one true love. Halo-halong emosyon ang mararamdaman kapag pinanood ito at maraming aral tungkol sa buhay at pag-ibig ang maaaring mapulot.
Inabangan din dito ang mga respetadong TV personality gaya nina Kara David, Kuya Kim Atienza, Drew Arellano, at Iya Arellano na nasa ‘artista era’ nila, ayon sa viewers.
Sa mga naaaliw sa serye, pwedeng balik-balikan ang mga eksena dahil available ito sa iba’t ibang online platforms ng GMA Network at sa YouTube channel at Facebook page ng GMA Public Affairs.
Dapat ding pakaabangan ang isa pang digital series ng GMA Public Affairs – ang “In My Dreams” na pagbibidahan naman nina Sofia Pablo at Allen Ansay. Tiyak na nakaabang na rito ang Team Jolly! This April na ito mapapanood online.
***
Kwentong pag-ibig nina Liam at Joyce, tinututukan
HAKOT-papuri pa rin ang bagong serye ng GMA Public Affairs na “The Write One” na pinagbibidahan ng magkasintahang sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Hindi maikakailang tinututukan ito ng viewers dahil sa mga kapana-panabik na episodes.
Talagang nakaiintrigang malaman kung saan nga ba hahantong ang kwento ng pag-ibig nina Liam (Ruru) at Joyce (Bianca). Ngayong nasa alternate reality na si Liam, napapanood naman ng viewers ang on-cam chemistry nina Ruru at Mikee Quintos.
Si Mikee ang gumaganap bilang Via, ang kasintahan ni Liam sa new timeline. May kurot sa puso rin ang mga eksena nina Ruru at Lotlot de Leon bilang mag-ina. Tulad ni Lotlot, wala pa ring kupas sa pag-arte si Ramon Christopher na tatay naman ni Ruru sa serye.
Inaabangan at pinag-uusapan talaga ang The Write One na mapapanood Lunes hanggang Huwebes, 9:35 PM sa GMA at simulcast sa Pinoy Hits at I Heart Movies, at 11:25 PM sa GTV. Maaari ring masubaybayan ang advance episodes sa Viu Philippines mula Sabado hanggang Martes.