Advertisers

Advertisers

LTO muling nagbabala sa publiko vs online fixers

0 158

Advertisers

NAGPAALALA ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko na hindi nag-aalok ang ahensiya ng assistance service sa lahat ng mga transaksiyon nito.

Ito ay matapos na maipaabot sa LTO National Capital Region West ang isang impormasyon kaugnay sa money-making modus ng ilang grupo ng mga indibidwal na nag-aalok ng assistance service sa mga online platform para sa mga nais na mapabilis ang transaksiyon para sa driver’s license at car registration.

Maaari kasi aniyang mahantong ang mga ito sa pagkakaroon ng pekeng lisensiya o car registration na parehong paglabag sa batas.



Ayon sa ahensya, ang naturang online services ay hindi dapat na tangkilin dahil ito ay kahalintulad ng fixing na subject sa crackdown campaign ng LTO.

Sa halip, pinapayuhan ang mga aplikante na dumirekta na lamang sa mga tanggapan ng LTO.