Advertisers
KAHIT wala na sa puwesto si dating President Rodrigo Roa Duterte, nanguna pa rin ang kanyang pangalan sa 34 na mga pangalan (Table 1) nakalista sa Pahayag Quarter 1 voting disposition na inilabas sa publiko nitong nakaraang March 23.
Hindi pa rin nawawala sa isipan ng mga botante, nakakuha si Duterte ng 55% upang manguna sa listahan ng Senado na binubuo ng re-electionists, news names, “balik Senado” at re-runs. Nakakuha ng pinakamataas na suporta si Duterte mula sa Mindanao (66%) at pati na ang nasa edad 30-39 years old (68%).
Table 1- Voting Disposition for 2025 Senatorial Race: ALL NAMES
Doc Willie Ong, kandidato para vice president noong 2022 at Senado noong 2019 ranked 2 at 49% isinulong sa NCR at 58% at pinili ng botante mula sa edad 40-49 years old. Ang re-electionists na si Christopher “Bong” Go ay tumabla kay Maria Imelda “Imee” Marcos sa 42% at 41% ayon sa pagkakabanggit. Umangat si Francisco “Isko Moreno” Domagoso (36%) sa top 7 tabla kina Vicente “Tito” Sotto (36%) at Panfilo “Ping” Lacson (35%).
Ang sumunod na lima ay sina Ronald “Bato” dela Rosa tabla kay Gilbert “Gibo” Teodoro, sa 30%. Nasa 10th place naman si Maria Leonor “Leni” Robredo na may 28% tabla kay Jose Manuel “Che” Diokno at 27% at Harry Roque at 26%.
Ang Pahayag First Quarter ay isang independent at non-commissioned survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc. sa pagitan ng 2-6 May 2023. Ito ay isang nationwide purposive sampling survey na binubuo ng 1,500 respondents randomly drawn mula sa market research panel sa mahigit 200,000 Filipinos sa pamamahala ng Singapore office of PureSpectrum, isang US-based panel marketplace na may multinational presence. Ang sample ay pinaghihigpitan sa mga registered Filipino voters. Ibinigay ang samples ng PureSpectrum hindi kaakibat ang anumang bias o political party. Ang lahat ng opinyon ay boses sa interpretasyon at pag-aanalisa ng datos ay galling sa writer and/or project sponsor.