Advertisers
ARESTADO ang isang barangay chairman sa Maynila sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Mismong sa loob ng barangay hall ng 569 Zone 56, Sampaloc, Maynila inaresto nitong Lunes ng umaga ang chairman na si Roberto Icuscit Corpuz, 54 anyos, residente ng 718 Mindoro St., ng nasabing barangay.
Sa pangunguna ni PEMS Luis J. Coderes ng Intelligence and Warrant Section ng PS-4 MPD, isinilbi ang warrant of arrest laban kay Corpuz.
Inisyu ni Hon. Judge Renato Zaleta Enciso, Presiding Judge ng Manila RTC Branch 12, ang arrest warrant na may P90,000.00 piyansang inirekomenda. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)