Advertisers
INIHAYAG nitong Lunes ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang “criminal organization”, na isinasangkot kay suspended Negros Oriental 3rd District Represetative Arnolfo Teves Jr., ang posibleng nasa likod ng pagpaslang kay Governor Roel Degamo at higit isang dosena pang pinatay sa probinsiya.
Sinabi ni Remulla na ang organisasyon ay sangkot sa “assassinations, illegal gambling and other illegal activities that are frowned upon by society and violate the law.”
Aniya, ang grupong ito ay sangkot sa illegal gambling operations tulad ng e-sabong o online cockfighting, na sinuspinde ni dating Presidente Rodrigo Duterte at tuluyang ipinatigil ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng isang executive order.
“Well, as people have been saying, I don’t want to speak until the case has been filed. But there’s a big possibility that Congressman Arnie Teves is involved in all of this,” sabi ni Remulla sa panayam ng CNN Philippines.
Sabi ni Remulla, nakatanggap siya ng listahan mula sa biyuda ni Gov. Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo ng 17 people katao na pinaslang ng grupo na kinasasangkutan ni Rep. Teves.
Pinag-aaralan ngayon ng DoJ ang pagpalakas ng kaso kaugnay sa mga pagpatay, na ang iba ay nangyari anim na taon na ang nakakilipas.
Si Teves ay kasalukuyang nahaharap sa mga reklamong ‘multiple murder’ kaugnay ng mga pagpatay noong 2019 sa DOJ.
Sa pagpatay kay Gov. Degamo, sinabi ni Remulla na mayroon na silang mga ebidensiya na magdidiin kay Teves, pero ini-evaluate pa nila ang bigat nito bago isampa ang reklamo laban sa mambabatas na suspindedo ang 60 days dahil sa kabiguang mag-report sa trabaho nang mag-expire ang kanyang travel authority.
Ayon kay Remulla, posibleng maisasampa nila ang mga reklamo laban kay Teves ngayong linggo, maaring sa Huwebes o Biyernes.