Advertisers

Advertisers

PBBM pinangunahan ang pagbubukas ng NLEX Connector Caloocan – España section

0 139

Advertisers

SA pagtatayo ng connector, nagpahayag ng pag-asa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng mga lungsod ng Caloocan at Maynila ay maaaring mabawasan ng limang minuto.

Testigo si Pangulong Marcos sa inagurasyon ng NLEX Connector Caloocan-España Section nitong Lunes.

Sinabi ng Pangulo na ang connector ay makakatulong din sa pagpapagaan ng paggalaw ng mga kargamento at kalakal mula Hilaga hanggang Timog at kabaliktaran.



Nangako si Marcos na sa ilalim ng programang Build Better More ng kanyang administrasyon, “patuloy na isusulong ng gobyerno ang pagkakaugnay ng mga pangunahing kalsada at expressway gayundin ang pagtatayo ng higit pang mga kalsada at tulay sa mga estratehikong lugar sa loob ng kapuluan.” (Vanz Fernandez)

Nanawagan si Pangulong Marcos sa Department of Transportation na ipagpatuloy na ayusin ang mga road infrastructure sa bansa at tapusin ang lahat ng mga proyekto sa inaasahan oras o panahon.