Advertisers
WALA nang buhay nang matagpuan ang isang policewoman na mayroong tama ng bala sa ulo sa loob ng inuupahang apartment sa Naga City, Camarines Sur.
Kinilala lang ang biktima sa Patrolman Cha, 26 anyos, dalaga, nakatalaga sa City Drug Enforcement Unit ng Naga City Polic Office, ng Cruz Apartment 12 sa Cagsaysay Avenue, Barangay Concepcion Pequena, Naga City.
Sa report, 10:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima nang puntahan ng kanyang mga kasamahan sa inuupahan nitong apartment.
Nabatid na hawak ng biktima ang isang baril, nakahiga sa kanyang kama at mayroon tama ng bala sa noo nang matagpuan itong walang buhay.
Sa ulat, hindi pumasok ang biktima sa trabaho noong Linggo at bandang hapon ay hindi parin ito makontak ng mga kasamahan kaya’t pinuntahan ito sa inuupahang apartment at nadiskubre ang insidente.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Naga City Police Office sa insidente. (Mark Obleada)