Advertisers

Advertisers

Binata, nalibing ng buhay sa hinuhukay na balon

0 148

Advertisers

Patay ang 20 anyos na binata nang matabunan sa hinuhukay na balon sa Barangay Old Central, Sudipen, La Union kahapon, Marso 28, 2023.

Kinilala ang biktima na si Nico Castillo, residente ng Barangay Turod, Sudipen, La Union.

Ayon kay Pol. Major Joel Soriano, Chief-of-Police ti Sudipen Police Station, na dalawag beses bumagsak ang lupa mula sa balon na hinuhukay.



Sinabi pa nito na segundo lang ang pagitan ng pagbagsak ng lupa kaya nahirapan ang mga kasama nito na iligtas ang biktima.

Ayon pa kay Soriano, agad naman silang rumesponde pagkatapos nilang matanggap ang tawag kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Bureau of Fire Protection.

Dagdag pa ng opisyal na inabot sila ng apat na oras sa paghukay sa katawan ng biktima dahil malalim na ang hinuhukay na balon.

Gumamit ang mga ito ng backhoe sa paghahanap sa katawan ng biktima pero naideklara itong dead on the spot sa oras ng alas-12:25 ng hapon sa tulong ng attending physician a ni Dr. Jerson Bangaoil mula sa Municipal Health Office ng Sudipen La Union.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">