Advertisers
BRYAN BAGUNAS tinanghal na Most Valuable Player matapos pamunuan ang Winstreak sa kanilang unang titulo sa tournament, Inanunsyo ng Chinese Taipei Volleyball Association Martes ng gabi.
Ang 25-anyos na outside hitter ay gumawa ng kasaysayan para maging unang Filipino volleyball player na nagwagi ng MVP plum sa labas ng Pilipinas.
Bagunas ay nakaipon ng 453 spikes,40 blocks, at 27 aces para sa kabuuang 520 points upang maging league’s top scorer matapos ang 2022-2023 season.
Ang UAAP MVP mula sa National University ay umiskor ng career-high 42 points sa championship match kontra defending champion Pingtung Taipower Lunes ng gabi.
Ito ang unang karanasan ng 6-foot-5 outside hitters sa Taiwan- at unang championship overseas matapos maglaro bilang import sa Japan ng tatlong taon.