Advertisers

Advertisers

Chop-chop na mga paa inabandona sa gasolinahan

0 115

Advertisers

Laking gulat ng mga tauhan ng isang gas station nang matuklasan na mga putol na paa ng tao ang laman ng plastic bag na iniwan ng naka-motorsiklong lalaki sa Bacolod City Martes nang madaling-araw.

Sa ulat, iniwan umano ng hindi pa nakikilalang lalaki ang dala nitong plastic sa gasolinahan sa CL Montelibano Avenue sa Barangay Villamonte 1:00 nang madaling-araw.

Ayon sa mga imbestigador ng Bacolod police, hindi pa nagtatagal nang putulin ang mga paa mula sa katawan ng hindi nakikilalang biktima dahil sariwa pa ang dugo rito.



Nakasulat umano ang pangalan ng may-ari ng mga putol na paa sa iniwang note sa plastic pero tumanggi ang pulisya na isapubliko ito.

Nitong Enero, mga putol na kamay ng tao sa ice cream container ang iniwan sa basurahan sa isang lugar sa lungsod. May pangalan din ito na sangkot umano sa pagbebenta ng droga.

Samantala, nananawagan ang pulisya sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang istasyon sakaling may nawawala silang kaanak.