Advertisers
SWAK na sa finals ng PBA Governors’ Cup ang Barangay Ginebra matapos tuluyang hindi papormahin ang San Miguel Beermen 87-85 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum Miyerkules.
May tsansa pa sana ang Beermen na pigilan ang Ginebra ng magtabla sa 85-all ng natitirang apat na segundo subalit naipasok ni Christian Standhardinger ang kaniyang lay-up mula sa pasa ni Justin Brownlee.
Inamin ni Ginebra coach Tim Cone na kakaibang laro ito kumpara sa dalawang nauna kaya naitala ang 3-0 sweep sa best of five semifinals.
Nagtala ng 22 points, 14 rebounds at apat na assists si Brownlee habang mayroong 17 points si Scottie Thompson at 14 points si Christian Standhardinger.