Advertisers

Advertisers

Kotse menor de edad ang driver, inararo ang 2 tricycle at 1 motorsiklo; 1 patay, 9 sugatan

0 121

Advertisers

Patay ang isang katao at siyam ang sugatan nang salpukin ng isang kotse na minamaneho ng isang menor de edad ang dalawang tricycle at isang motorsiklo sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa kuha sa CCTV camera ang mabilis na pagsulpot ng kotse sa Barangay Mabini bago nito nabangga ang mga biktima.

Nasawi sa naturang trahediya ang 17 anyos na lalaki na driver ng kotse, at residente ng Barangay Cumba sa nasabing lungsod.



Ayon sa report, unang nabangga ng kotse ang isang tricycle na may apat na sakay na pawang magkakamag-anak.

Sunod nitong nabangga ang isa pang tricycle na may apat din sakay, at nadamay ang isang motorsiklo na may sakay na rider.

Kasalukuyang nagpapagaling sa magkakaibang ospital ang mga biktima.

Sinabi ng pulisya na nakikipag-ugnayan na umano ang pamilya ng nasawing driver ng kotse sa mga biktimang nasugatan.

Umaasa ang mga nasugatan na matutulungan sila sa gastusin sa ospital.



Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang pamilya ng nasawing driver, at ang iba pang nasugatan sa insidente.