Advertisers

Advertisers

Tatlo patay sa rido sa Maguindanao

0 142

Advertisers

Patay ang tatlong gunmen sa engkwentro sa pagitan ng nag-aaway na mga pamilya sa Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Sinabi ni Capt. Giuseppe Tamayo, Ampatuan municipal police chief, na sumiklab ang laban nitong Martes ng gabi at nagpatuloy hanggang dakong alas-3 ng hapon nitong Miyerkules.

Kabilang ang magkaaway na mga pamilya sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) base commands na matagal nang may iringan dahil sa territorial control ng malawak na lupain sa Barangay Kapinpilan, Ampatuan, base kay Tamayo.



“The protagonists in this fighting are members of the MILF’s 118th and 105th base commands,” ani Tamayo. “As I speak, they are still firing sporadically at each other although from a distance.”
Dahil dito, lumikas ang halos 100 pamilya sa mas ligats na lugar at pansamantalang nananatili sa municipal gymnasium.

Inihayag ni Tamayo na sinisikap na ng MILF officials na pigilin ang paglala ng karahasan sa mga miyembro nito sa nasabing lugar.