Advertisers
DALAWANG dating regional officials ng Department of Agriculture (DA) ang hinatulan makulong ng hanggang 60 years sa kasong graft na may kaugnayan sa 2004 fertilizer scam.
Sa 38-page decision na ipinahayag nitong Marso 29, 2023 ng Sandiganbayan Sixth Division napatunayan na si Francisco Casil, dating Bids and Awards Committee chairman at chief administrative officer ng DA-Regional Field Unit 1 (Ilocos region); at Lourdes Gonzales, dating DA-RFU 1 budget officer at BAC member, ay guilty ng 6 counts sa bawat paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).
Sila’y hinatulan makulong ng hindi bababa sa 6 taon at di lalagpas sa 10 taon sa bawat bilang ng kaso, na may kabuuan 36 hanggang 60 taon na pagkakulong para sa 6 counts.
Hindi narin sila pinapayagan makapagtrabaho sa public office.
At inatasan silang ibalik sa DA-RFU1 ang kabuuang P3.414 million, ang kabuuang halaga ng pondo na ginamit sa maanomalyang pagbili ng abono.
Samantala, ang mga kaso laban sa primary accused, dating DA-RFU1 executive director Reinerio Belarmino Jr. ay inilagay sa archived dahil hindi pa ito natatagpuan.
Isinampa ang kaso ng Office of the Ombudsman noong 2018, ang nga kaso ay nag-ugat noong 2004 sa pagbili ng liquid fertilizers – 2,166 bottles mula sa Farmate International Technologies Inc. at 584 bottles mula sa Central Luzon Farmers Agro Center noong 2004.