Advertisers
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na pawang mga “wanted” ang 7 na Chinese na sakay ng isang barko na nasagip ng coast guard sa Eastern Samar noong Enero.
Ayon kay Rear Admiral Armand Balilo, ang tagapagsalita ng PCG na hindi pala mangingisda ang mga Tsinong sakay ng barkong MV Kai Da 899 kung hindi mga wanted criminal.
Nasa Tacloban City ngayon ang ilang mga kinatawan ng Chinese Embassy at Bureau of Immigration o BI para mai-turn-over na ng PCG ang 7 Chinese.
Ang mga dayuhan mga “subject for deportation” na rin.
Sinabi ni Balilo na maaring intension nilang tumakas ng mga Chinese national at inakalang makalusot sila sa ating bansa.
Wala rin aniyang kahit anong certificate o dokumento na galing sa kanilang bansa ang pitong Chinese national kaya nagduda ang PCG at nakipag-ugnayan sa Embahada ng China, kung saan napag-alaman na may mga rekord o nagawang krimen nga ang mga ito.(Jocelyn Domenden)