Advertisers

Advertisers

BAGONG BAHAY PARA SA MARALITA, ISUSULONG NG GRUPONG BANSA BABANGON MOVEMENT (BBM) Inc

0 231

Advertisers

Sa isang pagpupulong na idinaos sa Quezon City nitong nakaraang linggo, Marso 2023, pinagka-isahan ng samahang Bansa Babangon Movement (BBM) na ang pangunahing adbokasiya ng grupo ay makapagbigay ng maayos at bagong bahay para sa mga maralitang Pilipino, lalong lalo na ang mga naninirahan sa Metro Manila na siyang sentro ng bansa.

Ayon kay Ian Sauza, isa sa mga namumuno ng samahang BBM, ang pagkakaroon ng maayos na sariling bahay ang magiging sentro ng adbokasiya ng organisasyon. Ito ay upang mabigyang katuparan ang isa mga matagal nang pangarap ng mahihirap na Pilipino; ang magkaroon ng sarili nilang tahanan.

“Hindi lingid sa kaalaman ng mga nakararami ang kakulangan ng maayos at disenteng pabahay para sa mga maralita. Ayon na mismo sa pamahalaan, mahigit anim (6) na milyong Pilipino ay walang sariling tahanan,” pagdidiin ni Sauza.



Sa pagpupulong ng grupong BBM, ipinakita ni Sauza sa mga District at Deputy Coordinators ang isang panukalang modelo ng proyektong pabahay ng grupo na maaaring gawing batayan para sa low-cost housing project ng bansa. Ito ay isang maganda at matibay na istrakturang may limang palapag kung saan makakatira ng disente ang humigit-kumulang sa walumpong pamilya. Sa unang palapag ay isang parking area; sa ikalawa hanggang ikaapat naman ang mga housing units; sa pinakataas ang basketball court na puwedeng maging isang multi-purpose hall kung saan maaaring pagdausan ang iba’t ibang okasyon at gawain ng barangay.

“Ang adbokasiya sa pabahay ang unang pagtutuunan ng pansin ng samahan na susundan pa para sa Livelihood, Employment, Health at iba pang mahahalagang bagay na kinakailangan upang magkaroon ng disenteng buhay ang mga mahihirap nating kababayan,” dagdag pa ni Sauza.

Sa naturang pagpupulong din ng grupong BBM na pinamumunuan ng limang (5) Area Manager, nakumpleto na ang tatlumput tatlong (33) District Coordinator at 33 Deputy District Coordinators sa mga distrito ng National Capital Region (NCR) na magbubuo ng 1,710 Barangay Coordinators para sa chapter building ng samahan na sinimulan pa noong Disyembre ng nakaraang taon.