Advertisers
Ilang mga pulis at sundalo ang nasawi sa nasunog na pampasaherong barko sa Basilan.
Papunta ng Sulu galing ng Zamboanga ang MV Lady Mary Joy 3 nang masunog ito noong gabi ng March 29. Mahigit 200 na pasahero at crew ng barko ang nailigtas.
Ayon kay Nixon Alonzo ng Basilan PDRRMO, hindi pa nakikita ang kabuuan ng area ng ferry kung saan may mga nakita pang biktima.
May mga pasahero pa rin umano na hindi nakikita, at posible na nasa mga area ng barko na hindi pa na-explore ng rescue team ang mga ito.
Wala pa din detalye kung ang dahilan ng pagkamatay ang pagkakakulong sa loob ng passenger ship, ani Alonzo.
Aniya, kabilang sa higit 30 na nasawi sa trahedya ang mga pulis at sundalo.
Ayon pa kay Alonzo, majority din ng mga pasahero mga Muslim. At may mga bangkay umano na ang na-claim at dinala sa Sulu.
Papunta sa Jolo, Sulu ang barko nang mangyari ang sunog.