Advertisers

Advertisers

Imahe ng Itim na Nazareno ipaparada sa paligid ng Maynila

0 108

Advertisers

Magsasagawa ng motorcade ang Quiapo Church at ipaparada ang imahe ng Itim na Nazareno sa paligid ng Maynila sa Abril 7-Biyernes Santo, pahayag ni Quiapo Church spokesperson Father Earl Valdez.

Sa report, 12:01 ng umaga magsisimula ang Nazareno motorcade ngunit hindi pa napag-usapan ang ruta.

Sinabi ni Fr.Valdez na bagamat dadagsa ang mga deboto ngunit hindi ganung kalaki ang crowd tulad ng Nazareno 2023.



Sabi ni Valdez, ang tradisyonal na Traslacion maaring maibalik sa 2024 na pagdiriwang ng Feast of the Black Nazarene at lahat ng aktibidad sa Simbahan kasama ang Good Friday motorcade magsisilbing preparasyon para sa susunod na Kapistahan ng Nazareno.

“Maaaring bumalik sa nakasanayang Traslacion ang Nazareno 2024, subalit mas aayusin at paiigtingin po natin na may pag-alala sa mga natutunan natin ngayon at sa nakaraang Nazareno 2023,” sabi ni Valdez.

Ang Traslacion ang prusisyon na nagdadala ng imahe ng Itim na Nazareno mula sa Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church.

Mula noong 2021, kinansela ang aktibidad dahil sa pandemya ng COVID-19.

Samantala, sinabi rin ng Quiapo church na dadagdagan ang seguridad para sa Semana Santa.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">