Advertisers

Advertisers

50K Pinoy seafarers patuloy na kinikilala ng EU

0 148

Advertisers

IN-EXTEND ng European Commission’s Directorate-General for Mobility and Transport ang pagkilala sa maritime education, training at certifications ng mga Filipino seafarers.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, naagapan ang namumuong krisis sa mga Filipino seafarers.

Ani Ople, nasa 50,000 na seafarers ang nasagip at nailigtas mula sa panganib na mawalan ng trabaho.



Patunay aniya ang desisyon ng European Commission na mayroong leadersihip at political will si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makasunod sa international standards.

Batay sa liham na natanggap ng Pilipinas noong Marso 31, sinabi ni Director-General Henrik Hololei kay Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Hernani Fabia na-assess na ng kanilang hanay ang kakulangan sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW Convention) and Code.

Umaasa aniya ang kanilang hanay na patuloy na palalakasin pa ng Pilipinas ang sistema.

Nasa Geneva ngayon si Ople at pinasalamayan ang European Commission (EC).

Magugunitang noong Disyembre, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa shipowners sa Brussels para mabuo ang International Advisory Committee on Global Maritime Affairs (IACGMA) na ngayon ay nag-aalok ng technical advice sa Department of Migrant Workers on seafarers’ concerns.