Advertisers

Advertisers

Pastor nagparegalo ng kotse, kulong sa panghihipo

0 191

Advertisers

BUKOD sa kritisismo dahil sa pag-demand diumano ng kotse sa mga church member, inaresto ang isang lider ng religious group sa Palawan dahil sa reklamo ng panghihipo.

Kinilala ang hinuling church leader na si Pastor Romeo Nuñez, 54 anyos, ng Jesus Christ The River of Life Church.

Nahaharap si Nuñez sa kasong ‘acts of lasciviousness’.



Ayon sa ulat, tatlo ang nagsampa ng kaso laban sa pastor. Inireklamo nila ang diumano’y panghihipo sa kanila ng pastor sa maseselang bahagi ng katawan.

Hinuli ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Palawan) ang pastor sa Liberty, Brgy. Bagong Sikat.

Una rito, nahaharap si Nuñez sa kritisismo nang kumalat sa social media ang post ng isang Zamora Cha na sinabing nagparegalo daw ang pastor ng kotse.

Naglabas na rin ng statement ang Jesus Christ The River of Life Church para ipagtanggol ang alegasyong ito kay Nuñez.

Nabatid na tumakbo si Nuñez noong nakaraang eleksyon bilang Puerto Princesa City mayor pero hindi pinalad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">