Advertisers

Advertisers

Pumatay sa dalagang estudyante ng DLSU timbog sa Cavite

0 215

Advertisers

ARESTADO na ang suspek sa pagnanakaw at pagpaslang sa isang dalagang estudyante ng De La Salle University noong March 28, 2023 sa Barangay Sta. Fe, Dasmarinas City sa follow up operation ng mga operatiba ng Dasmarinas City Police Station, Provincial Intelligence Unit, at Regional Intelligence Division ng Calabarzon Regional Police Office, Sabado ng umaga sa Barangay Victoria Reyes ng nasabing lungsod.

Kinilala ang suspek na si Angelito Erlano, 39 anyos, residente ng nasabing barangay.
Sa report ni Dasmarinas City Police Station chief Lt/Colonel Juan Uruga kay Calabarzon Police Regional Director Jose Melenco Nartatez Jr., nadakip si Erlano sa bahay ng kanyang kaibigan matapos na ituro ng isang informant.

Sinubukan pa umanong manlaban ng suspek sa mga pulis gamit ang isang screw driver, subalit naging maagap ang mga pulis na maposasan ito.



Nakakulong ngayon ang suspek sa Dasmarinas City Police Station at nahaharap sa reklamong Robbery with Homecide at Direct Assault Upon an Agent of Person in Authority. (KOI LAURA/MARK OBLEADA)