Advertisers

Advertisers

16-anyos patay nang mabaril ng pamangkin

0 183

Advertisers

Patay ang 16 anyos na binatilyo nang aksidenteng mabaril ng kanyang pamangkin sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.

Ayon sa Dupax del Sur Police Station, agad na binawian ng buhay ang 16 anyos na binatilyo sa Lukidnon, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya nang aksidenteng mabaril sa dibdib ng kanyang pamangkin na 15 anyos.

Agad naman na ipinalaam ni Punong Brgy. James Cuyangan ng Brgy. Lukidnon ang nasabing insidente sa himpilan ng pulisya.



Ayon sa testigo at isa pang pamangkin ng biktima, inilagay ng biktima ang converted airgun na cal. 22 sa ibabaw ng mesa pagdating nila mula sa ilog.

Kinuha umano ito ng pamangkin upang linisin subali’t aksidente nitong nakalabit ang gatilyo at tinamaan sa dibdib ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Dahil magkamag-anak at mga menor de edad ang sangkot sa insidente hindi na magsasampa ng reklamo ang pamilya ng biktima laban sa pinaghihinalaan.