Advertisers
Patay ang isang pulis nang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang papasok ito para mag-duty sa Legazpi City, Albay.
Dead on the spot ang biktimang si Police Staff Sgt. Abel Sevilla, nakatalaga sa Community Police Assistance (CPAC) 4 ng Legazpi City Police Station.
Sa ulat, papasok na sa trabaho ang biktima nang daanan ito ng naka-motorsiklong salarin sa kahabaan ng Sitio Agna, Barangay Homapon 7:00 ng umaga.
Pagkatapat sa biktima, ilang ulit itong pinaputukan ng salarin sa ulo at katawan at saka tumakas halos 300 metro lang ang layo mula sa kanilang tahanan.
Nakikipagtulungan na ngayon ang barangay sa pag-iimbestiga ng PNP sa mga kuha ng CCTV at posibleng nakakita sa insidente upang mapabilis ang paghahanap sa mga salarin.
Nagkasa naman ng malawakang checkpoint ang pulisya sa kabuuan ng Legazpi City at karatig bayan sa posibleng pagkakadakip ng salarin. At patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.