Advertisers
Dalawa pang bangkay ng mga pasahero kasama ang isang tauhan ng Philippine Army ang natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3.
Kinilala ang mga biktima na sina Jack Bungso, residente ng Maimbung, Sulu na natagpuan ng Coast Guard station Basilan sa dagat na sakop ng Lampinigan Island at Baluk-Baluk Island, Basilan nitong Miyerkules, Abril 5.
Narekober din ang labi ni SSgt Andrew Cerbatos ng Philippine Army na isa sa 25 army personnel na sakay ng nasunog ng barko.
Narekober si Cerbatos ng Coast Guard station Isabela.
Sa kabuuan, umabot na sa 31 indibidwal ang nakukuhang patay sa naturang trahedya.
Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue /retrieval operations ng PCG para mahanap ang dalawa pang nawawalang indibidwal.
Nananatili naman sa 216 katao ang nakaligtas sa nasunog na barko.