Advertisers

Advertisers

NCRPO, NAGPALIWANAG TUNGKOL SA ‘CRIME INCIDENTS‘ NG MGA RESTAURANTS SA METRO

0 270

Advertisers

INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tugunan ang isyu sa mga umano’y insidente ng krimen na kumakalat sa social media kamakailan partikular ang mga ulat na kinasasangkutan ng isang Japanese restaurant, isang kilalang Coffee shop brand, at isang Chinese restaurant na lahat ay matatagpuan dito sa Metro Manila.

Binigyang-diin ng NCRPO ang lahat ng mga ulat at matapos masubaybayan ang nasabing mensahe na kumakalat sa ilang mga platform ng komunikasyon ay agad na siniyasat at inaksyunan ang nasabing impormasyon. Bilang resulta nang pagsisiyasat ay napagalaman na ang mga di-umano’y insidenteng ito ay mali at walang katotohanan.

Nabatid mula sa kumalat na balita sa social media tungkol sa isang Japanese restaurant ay nangyari mahigit o wala pang apat na taon ang nakakaraan, at mula noon, ang establisyimento ay naglagay na ng pinahusay ‘security ptotocols’ upang maprotektahan ang kanilang negosyo na hanggang kasalukuyan ay walang untoward incident sa naturang establisimento.



Habang ang mga umano’y insidente na kinasasangkutan ng isang kilalang coffee shop at Chinese restaurant ay kapwa napatunayang walang basehan at hindi totoo.

Ang pinsala at alarma na maaaring idulot ng maling balita at maling impormasyon lalo na kapag malawak na ibinahagi sa mga platform ng social media ay malaking epekto at kasiraan kaya’t hinimok ng NCRPO ang publiko na i-verify ang impormasyong natatanggap nila bago ito ibahagi sa iba. Hinihiling din na iwasan ng mga indibidwal ang pagkalat ng anumang maling alingawngaw o hindi na-verify na impormasyon na maaaring magdulot ng pinsala o panic sa mga tao sa komunidad.

Nanawagan si NCRPO Chief PMGEN Edgar Alan Okubo sa lahat na gamitin ang kapangyarihan ng social media nang responsable at may integridad. Makikipagtulungan ang NCRPO sa PNP Anti-Cybercrime Group para imbestigahan pa ang bagay na ito at hanapin ang mga responsable sa pagpapakalat ng mga maling ulat.

Makatitiyak ang mga residente ng Metro Manila na ang iyong NCRPO ay patuloy na sinusubaybayan ang mga insidente at ulat sa real time gayundin sa pamamagitan ng mga online platform upang maagap na tumugon sa mga sitwasyong ito.

Kung nais mong mag-ulat ng anumang insidente na maaaring mangailangan ng tulong ng pulisya mangyaring lumapit sa sinuman sa aming mga opisyal ng pulisya sa ground o makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng NCRPO Hotlines: 0915 888 8181/0999 901 8181. (JOJO SADIWA)