Advertisers
Isang drug buy-bust ang nagresulta sa neutralisasyon ng isang drug trader habang tatlong pulis ang nasugatan sa bayan ng Guimba, Nueva Ecija nitong Sabado, Abril 8.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Colonel Richard Caballero, Acting Provincial Director, Nueva Ecija Provincial Police Office, kinilala ang tulak ng droga na si Reynaldo De Guzman alyas Jay-Ar ng Barangay Bacayao, Guimba, Nueva Ecija.
Kasama si De Guzman sa illegal drug watch list ng Guimba Police.
Noong Abril 4, nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga awtoridad ng pulisya sa Barangay Bacayao, Guimba Nueva Ecija.
Kalauna’y nalaman ng suspek na may kausap siyang police-poseur-buyer at agad na bumunot ng baril, pinagpaputukan ang mga operatiba ng pulis ngunit bigo itong tumama.
Nakumpiska ng mga operatiba ang baril ng suspek subali’t nasaksak naman ng ice-pick sina Staff Sergeant Joseph Dela Cruz (poseur-buyer) kasama sina Corporal Jerry Kidatan at Staff Sergeant Michael Villados na nagtamo ng hallow wound sa kanyang dibdib.
Isinugod ang mga sugatan sa Guimba Community Hospital.
Napilitang gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan para tamaan ang suspek na ikinasawi nito.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang yunit ng homemade Cal. 38 Revolver, ice-pick, black/red Suzuki Smash, at .55 gramo ng shabu.