Advertisers

Advertisers

Malacañang suportado ang hosting ng PNVF sa VNL, World Beach Pro Tour

0 124

Advertisers

SUPORTADO ng Malacañang ang dalawang major international tournaments na e-host ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ngayon taon.

Ang PNVF na pinamumunuan ni Ramon “Tatas” Suzara ay magsagawa ng Volleyball Nation League (VNL) mula Hulyo 4 hanggang 9 sa Mall of Asia Arena at ang Volleyball World Beach Pro Tour Challenge mula Nobyembre 30 hanggang December 3 sa Taguig City.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin in behalf of President Ferdinand R. Marcos ang Memorandum Circular No.17 inaatasan ang lahat ng government agencies at instrumentalities, kabilang ang government- owned or controlled corporations ,at himokin ang local governments units” na suportahan ang parehong International Volleyball Federation, or FIVB, tournaments.



“I would like to thank President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. for supporting the PNVF and the FIVB in promoting volleyball in the country,” Wika ni Suzara Huwebes.

“We guarantee the success of both tournaments that not only help promote the sport in world level, but also showcase the country’s tourism,” Dagdag pa ni Suzara, na nagsilbi ring secretary ng FIVB Volleyball Empowerment Commission.

Ang PNVF ay muling inatasan na mag host ng VNL matapos humanga ang FIVF sa tagumpay ng 2 VNL Legs sa Araneta Colesium sa Quezon City nakaraang taon.

Ang VNL men’s tournament ngayon taon ay lalahok ang worlds No.1 Poland, No.2 Italy,No.4 Brazil,No.7 Japan, No.7 Japan, No. 9 Slovenia, No. 13 The Netherlands, No.15 Canada at No. 26 China.

Ang Volleyball World Beach Pro Tour Challenge ay babalik rin sa Pilipinas.



Dinispatsa nina Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga ang pares nina Genesa “Jen” Eslapor at Floremel Rodriguez sa all-Filipino final na ginanap sa Subic nakaraang December.