Advertisers

Advertisers

P4m high grade marijuana nasabat sa Maynila

0 138

Advertisers

TIMBOG ang isang lalaki sa tangka nitong pagkuha sa package na naglalaman ng higit dalawang kilo ng high grade marijuana o kush.

Nahuli si Jeric Herrera, 27 anyos, ng Barangay 310, Sta. Cruz, Manila, sa pamamagitan ng controlled delivery operation ng mga ahente ng PDEA – Central Luzon.

Kinuha ni Herrera ang limang lata kungsaan nakatago ang limang plastic pouches na naglalaman ng P3.9 milyong halaga ng kush.



Sa ulat kay Philippine Drug Enforcement Director (PDEA) Director General Moro Lazo, nagmula sa US ang pakete at dumating sa Port of Clark nitong Abril 11.

Sinabi ng opisyal na idineklarang “green tea” ang laman ng pouches at isinailalim na ito sa x-ray at K9 examinations dahil sa pagdududa.

Magugunitang ganito rin ang naging kaso ng anak ni Justice Secretary “Boying” Remulla pero nabasura sa korte dahil sa rason na “chain of custody”.