Advertisers
LUMAPAG na sa Japan ang Philippine women’s volleyball team para magsagawa ng dalawang linggong training bago ang pagsabak sa South East Asian Games sa buwan ng Mayo sa Cambodia.
Pinangunahan ni team captain Alyssa Valdez ang national volleyball team kasama sina national team head coach Jorge Souza de Brito, assistant coaches Sherwin Meneses, Cherry Rose Macatangay, trainer Raffy Mosuela, at strength and conditioning coach Grace Gomez.
Kapag natapos na ang training nila sa Japan ng dalawang linggo ay agad na silang magtutungo sa Cambodia para sa biennial events.
Magugunitang napabilang sila sa Group A kasama ang powrhouse na Thailand, Indonesia, Myanmar at Malaysia.
Pormal na magsisimula ang torneo sa Mayo 5 subalit sa Mayo ay magsisimula ang volleyball tournament.