Advertisers
TATLONG ‘pasaway’ na chinese national na may dalang aabot sa 29.7 kgs ng processed meat products ang kinumpiska ng Bureau of Animal Industry (BAI) matapos na lumapag sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) terminal 1 galing Jinjang, China.
Kabilang sa mga nakumpiska ang 12kgs na dried pork meat at 3kgs na longganisa dala ng isang pasahero samantalang isang pasahero din ang nagdala ng 1.1 kgs dried pork meat mula sa naturang bansa.
Kumpiskado din ang 12.1 kgs na dried pork meat at 1.5 kgs na chicken feet na bitbit ng isang intsik mula sa magkaparehong flight MF-819 mula Jinjang.
Ang mga naturang produkto ay naharang ng Bureau of Customs (BOC) examiner matapos itong idaan sa x-ray scanning machine kung saan ay agad na kinumpiska ng mgfa otoridad.
Paliwanag ng BAI na total ban pa rin ang mga produkto ng karne kahit processed meat lalo’t wala itong kaukulang permit at pinangangambahan na posibleng peste ang dala nito. (JOJO SADIWA/ JERRY TAN)