Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
KAHIT disiotso na siya ay hindi pa tumatanggap ng manliligaw si Jillian Ward.
“Alam niyo po, nung nag-eighteen po ako marami na pong tumatapang at tsaka nagpapa-cute, e kaso po hindi po sila nanliligaw kasi hindi po ako nagpapaligaw pa.
“Gusto ko po kasi muna talagang mag-focus po sa sarili ko and sa work ko po and sa family, kasi naniniwala po ako darating siya sa tamang panahon.
“Pero sa ngayon po ito yung binigay sa akin ni God, so gusto ko po talaga na ibigay yung best ko na talagang mag-focus po ako sa kung anong meron po ako ngayon,” pahayag ng magandang Sparkle actress na bida sa nangungunang teleserye ngayon, ang Abot Kamay Na Pangarap.
Kasama ni Jillian sa Abot Kamay Na Pangarap sina Carmina Villarroel bilang Lyneth Santos, Richard Yap bilang RJ Tanyag,
Dominic Ochoa bilang Michael Lobrin, Kazel Kinouchi bilang Zoey Tanyag, Pinky Amador bilang Moira Tanyag, Wilma Doesnt bilang Josa Enriquez at si Dina Bonnevie bilang Giselle Tanyag, at marami pang iba.
Ito ay sa direksyon ni LA Madridejos.
***
GABBY NA-CHALLENGE SA PAGPAPATABA HABANG GINAGAWA ANG VOLTES V: LEGACY
ANG kanyang timbang ang matinding hamon kay Gabby Eigenmann sa pagganap niya sa Voltes V: Legacy ng GMA Network bilang si Commander Robinson.
Si Commander Robinson ang pinuno ng Earth Defense Force na nagpoprotekta sa mundo laban sa mga aliens at isa sa mga bumuo sa robot na si Voltes V.
Siya rin ang ama ni Jamie Robinson (gagampanan ni Ysabel Ortega) na isa sa miyembro ng Voltes V team.
Tinanong namin si Gabby kung ano sa palagay niya ang pinakamatinding challenge sa kanya sa pagganap bilang Commander Robinson sa isang napakalaking proyekto na tulad ng Voltes V: Legacy?
“At first challenging is the physical, physical look.
“Because we all know Commander Robinson is a really, really big guy, it came to a point at realization, alam mo naman ako pagka kunyari may nag-offer sa aking project, I work on the character.
“I’m not saying na talagang matindi pagka-method actor, hindi naman ganun. Pero yung… I want it to be believable, physical pa lang.
“So nakatulong yung after surviving this pandemic… yes I gained a little weight but it helped me also na since binigay sa akin yung character na Commander Robinson, sabi ko, ‘Sige! Should I put on a little more weight?’
“Para at least yung ma-feel ko yung pagiging, kasi really, big guy siya, e. Then na-achieve naman, yeah I really looked big sa screen but then again andun yung, hindi naman nagkakaroon ako ng regrets kasi ngayon nahihirapan akong magpapayat,” at tumawa si Gabby, “but I’m getting there.
“Pero iyon, isa yun sa medyo naging challenging for me is to maintain that look, a big guy look. But at the end of the day, since natapos na namin, eto ngang next challenge ko is how to lose that weight again.”
Mapapanood na ang Voltes V: Legacy ngayong Mayo sa GMA Telebabad pero bago iyan, simula sa April 19 ay mapapanood ang special edit ng mga episodes sa unang tatlong linggo sa Voltes V: Legacy The Cinematic Experience sa SM Cinemas!
Mabibili ang mga ticket sa https://bit.ly/VoltesVAtSMCinemaat sa mga SM Cinema App at SM Cinema ticket booths.
Ang mga bida at miyembro ng Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert at Raphael Landicho bilang Little Jon.
Mapapanood din sa Voltes V: Legacy sina Neil Ryan Sese bilang Dr. Hook, Epi Quizon bilang Zuhl, Albert Martinez bilang Dr. Richard Smith, Max Collins bilang Rosalia, Carlo Gonzales bilang Draco, at Dennis Trillo bilang Ned Armstrong, at marami pang iba, sa direksyon ni Mark Reyes.
Bukod sa Voltes V: Legacy ay kasama rin si Gabby sa cast ng pelikulang Papa Mascot na bida si Ken Chan at kasama rin sina Miles Ocampo, Erin Espiritu, Jericho Arceo, Tabs Sumulong, Sue Prado, Yian Gabriel, Jordaine Suan, Joe Gruta at Liza Diño.
Ito ay mula sa produksyon ng Wide International, sa panulat ni Ralston Jover at sa direksyon ni Louie Ignacio at ipalalabas sa mga sinehan sa April 26.
Tagumpay ang red carpet premiere nito sa SM Megamall nitong April 17 (sa imbitasyon ng line producer ng pelikula na si Dennis Evangelista) na dinaluhan ng mga kapwa Sparkle artists ni Ken tulad nina Bianca Umali, Ruru Madrid, Jeric Gonzales at marami pang iba.