Advertisers

Advertisers

Happy Happy Easter Sunday sa lahat ng mga mandarambong

0 9

Advertisers

Belated happy happy Easter Sunday at maligayang araw ng Pasko ng pagka-buhay sa lahat ng mga MANDARAMBONG sa ating bansa.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng ilan mga kongresista, senador, kawani ng DPWH at mga kontratista na nag-nakaw ng halagang aabot sa P-Trilyon mula sa pondo ng bayan.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nangyayari sa kaso ng mga ito na dumadaan pa rin sa mahabang proseso.

Siguradong Masaya at maligaya pa rin ang mga damuhong ito dahil tiyak na Pasko araw-araw sa kanila dahil sa laki ng perang kanilang NINAKAW.

Mantakin mong bilyong piso ang binulsa ng mga ito mula sa kaban ng bayan para lang sa sariling nilang interes samantalang MILYONG mga kababayan natin ang lalong humihirap ang Buhay.

Noong lumipas na mahal na araw, siguradong tayong lahat ay nagpenitensiya Kasama ang sambayanan na naging ating kultura mula pa noon.

Sa aking paki-wari ay habang panahon na nating dadalhin ang kalbarko at sakripisyong ito.

Hanggang sa ating maging mga apo at susunod na generasyon ay dadanasin itong kahirapang ito bunga ng bilyon-bilyong pisong NINAKAW NG MGA MANDARAMBONG.

Hindi pa rin natin alam ang muling sasapitin ng ating mga kababayan pag-dating ng tag-ulan dahil ang perang NINAKAW NG MGA ito ay galing sa Flood Control Project ng gobyerno.

Ang pondong ito ay nakalaan sana para sa nasabing proyekto ngunit ito ay binulsa lang ng mga MANDARAMBONG na wala rin namang ginawa.

May nagawa man, ito ay masyadong tinipid particular na sa mga ginamit na mga materyales na napag-alamang mga sub-standard materials kung kaya’t ang mga proyekto ay AGAD ding bumigay.

Ang pinaka-masahol dito ay ang mga ghost project na bilyong piso ang pondo ngunit ito ay sa dokumento lang nakasaad dahil wala ka man lang makikitang ginawa kahit na kapiraso tsk… tsk… tsk…

Ang kasong Plunder ay kino-konsiderang isa ring heinous crime. Ito ay non-bailable at may kaukulang parusang reclusion perpetua o’ life imprisonment.

Balikan natin ang kaso ng mamang nagnakaw ng mangga na dali-dali’y kinasuhan at kinulong din AGAD samantalang ang mga mandarambong na bilyon ang NINAKAW ay nandon lang at nakabinbin pa rin ang kaso.

Ano ba ang nangyayari sa ating judicial system, talagang ” Iba pa rin ang tini-tingnan sa tinititigan” he… he… he…

Noong nakalipas na administrasyon ay kinasuhan ang dating Pangulong Duterte dahil sa programa niyang drug war na kung saan libong mga pilipino ang namatay.

Mas masahol ang mga mandarambong na ito dahil MILYONG mga Pilipino ang pina-hirapan at papatayin ng mga ito dahil sa kahirapang para lang sa sariling nilang interes.

Kung tutuusin, ang mga ito daw ay dapat ipako sa krus bilang pagtubos ng kasalanang ginawa nila sa kanilang kapuwa Pilipino.