Advertisers
Sanlibong saludo at matimyas na paghanga ang inihahatid ng kolum na ito sa ating Pinay Tennis Champ, WTA 2026 winner Alex Eala!
Nakakabilib si Alex, nakatutukso ang alok na kasikatan at malaking premyong salapi, at karangalan kung sasali siya China Open (Sept. 30–Oct. 11, 2026) na isang mandatory WTA 1000 event.
Pero mas pinili ni Eala na lumahok sa Asian Games (Sept. 27–Oct. 3, 2026, Nagoya, Japan) at matindi ang kapalit nito sa kanyang ranking sa world tennis, at posiblem pagmultahin siya, at hindi biro ang penalty – (US$10,000).
Salamat naman, hindi nagpapabaya ang ating Philippine Tennis Association (PHILTA) na nag-file na ng request na i-exempt si Eala, na sinusulat natin ito, wala pang desisyon ang WTA.
Pero buo na ang desisyon ni Alex – multahan man siya at ibaba ang mataas niyang world ranking ng WTA, basta ang mahalaga, Pilipinas muna, walang iba pa.
Mas mahalaga kay Alex ang pagka-Pilpino niya, opo, kasi, maraming alok ng bagong citizenship, malalaking premyo at bagong passport, ito ay kanyang tinanggihan.
Katapatan sa bansa ang mas mahalaga sa kanya, ito ay sa kabila ng maraming kabataan ang mas pinilipi ang “ibang daan” – mas ipinagmamalaki niya ang pagiging Pilipino.
Isa itong matibay na moog na patriotism, at isa itong madamdaming kuwento ng inspirasyon sa Kabataang Pinoy — mas mahalaga ang dangal kaysa sa yaman.
At naipakikita ni Alex ang matibay niyang tapang na panatilihin ang sariling Pilipino identity sa harap ng nakatutuksong mga alok ng ibayong kasikatan, alok na malaking kayamanan, at makapagtamo ng isang bagong citizenship at pasaporte na kinikilala ng mayayaman at makapangyarihang bansa.
Siyempre, mahalagang banggitin ang matinding paghanga ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at iba pang sports at political personalities kay Alex Eala sa kanyang desisyon na manatiling Pilipina at ibandila ang bansa.
Sabi ni PBBM, si Alex ay isang “national inspiration” at mahirap na pantayan ang kanyang “unwavering Pilipino identity!”
Pinuri siya ng mga senador na nag-file ng isang resolusyon para parangalan si Alex.
Sabi ni Sen. Bong Go, ang desisyon ni Alex ay pagpapakita ng matinding pagmamahal sa Pilipinas at di matatawarang pagkamakabayan.
Talagang kahanga-hanga si Eala, na iniaalay ang kanyang mga panalo at karangalan sa pagsasabing, “ang aking tagumpay, ito po ay tagumpay nating lahat na mga Pilipino!”
Sa totoo lang, nakapaninindig balahibo ang ganitong pagmamahal sa ating bansa!
Kung mahina-hina ang gulugod ng paninindigan ni Eala, baka agad siyang sumuko sa matitinding alok ng ibang bansa—citizenship, kayamanan.
At mas malakas na suporta upang sa hinaharap, maging Numero Uno Woman Tennis sa buong mundo.’
Nakatutukso nga ito, pero naipakita ni Alex, ang tunay na marangal na desisyon ay manatiling Pilipina.
Ang kinang ng malaking salapi, kislap ng ibayong katanyagan at ang bigat ng paggalang sa foreign passport, hindi ito mahalaga kay Eala.
Iba ang tibay ng puso ng Pinay na ito na mas kumakapit sa Pilipinas, at mas pinipili ang dangal ng pagkamamayang Pilipino nang higit pa sa ano pa mang alok ng ibayong katanyagan, kinang ng salaping dolyar at mabilis na daan ng tagumpay.
Naipakikita ni Alex ang isang aral na dapat na itanim sa isip at puso ng kabataang Pilipino:Dapat unahin ang bayan, bago ang ibang alok na karangalan.
Isang magandang kuwento ng katapangan at katatagan ang buhay ni Alex sa ngayon – na ito ay isang magandang aral sa kabataan at kapwa niya atleta.
Hindi lamang mga gintong medalya, makikinang na tropeo o ranggo ang mahalaga.
Mas mahalaga ang bayan, ang Pilipinas.
Mas matingkad pa sa mga medalyang ginto, maipagkakapuring tropeo at nakatutuksong alok ng yaman ay ang totoong pagmamahal sa sariling bansa.
Pilipinas muna, bago ang lahat!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.