Advertisers

Advertisers

Tugboat lumubog: 4 nasagip

0 264

Advertisers

Sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na crew ng lumubog na MTIG Surigao Strait sa katubigan ng Berth 1, Surigao Base Port, Surigao Del Norte.

Nakatanggap umano ng tawag ang PCG Station Surigao Del Norte kaugnay sa paglubog ng tugboat habang inaasistihan ang MV Span Asia 33 para sa undocking maneuver.

Agad na rumisponde ang PCG SAR team sa nasabing katubigan at sinagip ang apat na indibidwal .



Samantala, ang PCG Marine Environmental Protection Command ay naglagay na ng oil spill booms bilang precautionary measure matapos magsagawa ang Coast Guard Special Operations Group ng underwater inspection kung saan negatibo naman ang resulta ng pagtagas ng langis.(Jocelyn Domenden)