Advertisers

Advertisers

‘Ang Malasakit Center ay para sa bawat Pilipino’ – Bong Go

0 151

Advertisers

Patuloy na inuuna ni Senator Christopher “Bong” Go, pinuno ng Senate committee on health and demography, ang pagpapabuti ng access sa healthcare lalo sa mga mahihirap at indigent na pasyente na nangangailangan ng tulong medikal mula sa gobyerno.

Sa isang video message sa relief operation ng kanyang grupo sa Sta. Rita, Pampanga nitong Martes, ibinahagi ni Go na pinasimulan niya ang programang Malasakit Centers matapos personal na masaksihan ang mga hamon ng mga Pilipinong kapos sa salapi upang makakuha ng tulong medikal.

“Nagsimula ang Malasakit Center sa Cebu. Sinikap nating ilagay ang apat na ahensya ng gobyerno—ang PCSO, DOH, DSWD, at PhilHealth—sa isang opisina para hindi na mag-aksaya ng araw ang ating mga kababayan sa paghingi ng tulong,” paliwanag ni Go, na siyang pangunahing awtor at sponsor ng batas.



“Basta Filipino ka, mahirap at indigent patient ka, qualified ka sa Malasakit Center. Dumulog ka lang sa Malasakit Center sa lugar mo at tutulungan ka nila sa billing mo,” ani Go.

Matagumpay na itinulak ni Go ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11463, kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, upang matiyak na ang mga mahihirap na pasyente ay makakukuha ng maginhawang access sa mga programang tulong medikal na inaalok ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa Pampanga, ang Malasakit Centers ay matatagpuan sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital at sa Overseas Filipino Workers Hospital and Diagnostic Center, kapwa sa San Fernando City; at sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City. Sa kasalukuyan, mayroong 157 Malasakit Centers sa buong bansa.

Samantala, binanggit din ni Go na patuloy na inilalapit ng gobyerno ang serbisyong pangkalusugan sa mga Filipino community sa pamamagitan ng pagtatayo ng Super Health Centers sa buong bansa.

Sa ilalim ng 2022 national budget, ang Super Health Centers sa Pampanga ay pinondohan sa San Fernando City at sa mga bayan ng Lubao, Macabebe, Magalang, Porac at San Agustin. Ngayong 2023, mas maraming sentro ang itatayo sa mga bayan ng Magalang, Minalin, Porac, Sta. Rita, at Arayat — ang huling groundbreaking ay dinaluhan ni Go noong nakaraang buwan.



Matatandaan na noong Enero 26, pinarangalan si Go ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga dahil sa pagsusulong ng kapakanan at interes ng lalawigan sa pamamagitan ng Resolution No. 7643-A.

Sa araw ding iyon, idineklara si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang “adopted son” ng lalawigan sa bisa ng Resolution No. 7643 bilang pagkilala sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa pag-unlad at kaunlaran ng Pampanga sa panahon ng kanyang pamumuno mula 2016 hanggang 2022.