Advertisers

Advertisers

Kris pinagdarasal na abutan pa ng 2025 na binata na si Bimby

0 121

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGBAHAGI si Kris Aquino ng nakakaantig na birthday message sa kanyang social media account para sa bunsong anak na si Bimby, na nagdiwang ng ika-16 na kaarawan nitong April 19, 2023.
Binalikan ni Kris ang panahong una nilang nalaman ang tungkol sa kanyang autoimmune disease at 11 taong gulang pa lamang that time ang kanyang bunso. Aniya, pinalalakas niya ang loob ni Bimby noon sa pamamagitan ng pagsabing sisikapin niyang kayanin na harapin ang kanyang sakit kagaya ng ginawa ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.
Post ni Kris: “I even vividly remember my prayer: God i ask for nothing more BUT the gift of resilience & FAITH for me to still be alive and cognizant on April 19, 2025, when Bimb officially becomes an adult.”
***
ALISAH BONAOBRA NA-PRESSURE SA PAG-REVIVE NG KANTA NI ANGELINE QUINTO
ANG Hanggang Kailan, ang kantang ipinanglaban ni Angeline Quinto sa Himig Handog P-Pop Love Songs noong 2014, na sinulat ng magaling na composer na si Joel Mendoza, ay ni-revive ng tinangal na Runner Up sa The Voice of The Philippines 2014, na si Alisah Bonaobra.
Puring-puri ni Joel si Alisah sa ganda ng version nito ng Hanggang Kailan.
Sabi ni Joel,”Magaling si Alisah. She is vocally good and there’s exellent communication and understanding while we’re recording. Masayang-masaya ako sa version ni Alisah.”
Ayon pa kay Joel, dapat suportahan at pakinggan ang version ni Alisah, dahil ibang-iba ito sa version ni Angeline.
“Please po pakinggan ninyo ‘yung version ni Alisah. Kasi ‘yun po ang talagang gusto kong iparinig, ‘yung gusto kong i-share na istorya ng kanta, ‘yung kumpleto.
“Hindi ‘yung nangyari sa version ni Angeline, na parang pinalitan ng producer, yung lyrics, binago, and everything like that. At wala pong kasalanan si Angeline du’n.
“Kasi meron po kaming limitation, 4 minutes for the contest (Himig Handog).
“And sabi po sa akin, hindi naman pang-radio ‘yung version ni Alisah, especially ngayon, hindi na uso ‘yung radio, spotify na po, at digital na ang plaforms, sa YouTube and everything.
“So wala na po tayong limit na 4 minutes.”
Ayon naman kay Alisah,”Why you should support my version of Hanggang Kailan? It’s because it’s a Composer’s Cut, and it’s different from the original version. And because this is an OPM song.”
May pressure ba na ni-revive niya yung Hanggang Kailan?
“Ay, oo naman po!” sagot ni Alisah.
“Kasi siyempre, ultimate idol ko rin po talaga si Angeline Quinto. And almost all her songs, kinakanta ko sa karaoke po. So nu’ng sinabi sa akin na we will revive the song, grabe, sobrang speechless po ako.”